Sunday, July 14, 2019

Oversized Fashion: Tipikal na kasuotan ng mga babaeng matataba


"Ang taba mo naman dyan sa suot mo" , "Dapat hindi ganyang kulay ng damit yang sinusuot mo", "Lalo kang muhkang mataba dyan sa damit mo". Mga ilan lamang sa naririnig mo sa mga kaibigan mo, kakilala mo at malalapit sa buhay mo sa tuwing titignan kung anong itsura mo. Nakakatuwang isipin kasi sila napapaisip pa sa kung anong damit bagay sa akin, samantalang ako nga kahit anong meron na dyan "G" na ako dyan. Narito na ang blog ko para ibahagi sa inyo ang mga ilang kasuotan ko na sumasabay lalo na sa panahon ngayon at kung ano bang nararapat na mga kasuotan para sayo sa kagaya kong Oversized Girl.


Unang una sa lahat dyan alamin mo kung ano ba yung gusto mo talagang isuot ?  , syempre dapat yung gusto mo talaga wag kang mag susuot ng damit na napilitan ka lang. Sa itsura ko dito, oo medyo nakakatawa talaga kasi kitang kita ang katabaan ko dyan pero mahal ko kasi yung sarili ko, Ikaw mahal mo ba ang sarili mo ? yan ang mga dapat mo munang alamin sa sarili mo bago ka makapag suot ng mga damit na gusto mo kahit Oversized Girl ka pa. Ang pagdadala ng isang kasuotan o damit sa paraang confident ka sa kahit ano pang itsura mo pagkatapos mong suotin ito. Ang pinaka mahalaga mo ring malaman na ang dark colors at ang light colors. Nagsuot ako ng Dark Color dyan kasi yan yung perpektong kulay para sa isang cocktail dress para sa Oversized Girl kagaya ko.


Pangalawa kailangan mo ding sumabay sa kung ano ang uso ngayon para hindi ka na pag iiwanan. Sa larawan kong yan, yan yung isa sa mga halimbawa ng K-Pop Outfit. Kailangan mong maki-uso, kailangan mo lang talagang maging masaya sa kung anong meron kang klase ng laki ng katawan. Sa pagkakataong yan nag isip din ako ng kulay na may Dark at Light, pinagsama ko yung dark color na black para sa paldang maong at light pink para sa jacket with hoodie ng Momoland. Sobrang saya ko niyan kasi fineel ko lang na isa ako sa mga miyembro ng Momoland.#MAHALINANGSARILI.


At ang pang huling masasabi ko lang, lagi mo lang mamahalin ang sarili mo at maging confident ka lang lagi sa kung anong meron ka. Napaka swerte mo pa rin dahil kumpleto ka, may kamay, may paa, may mata, may ilong, pero sumobra ka lang, sa totoo lang hindi ka sosobra kung hindi rin dahil sa sayo. Kailangan mo lang talagang maging Disiplinado kung gusto mo talaga ng pag babago sa sarili mo. #MISMO


 -VERNALYNNE D. GALANG-
  Fashion Technology Student